OFW on AIR Episode 017 : Do or Do Not. There is no trying. / Chat with Franco Caragay

OFWOA-Banner-for-Franco-Caragay-type-2

Play

Magandang araw sa inyo mga ka-tsong.  Another week had passed at nandito na naman tayo sa ating lingguhang tambayan dito sa OFW on AIR Podcast.  Syempre, ito ang inyong kuya tsong na bumabati at naglalambing sa inyo…namiss niyo ba ako?  Of course, yes, di ba? dahil miss ko rin kayo!  Di rin po biro ang gumawa ng isang episode na katulad nito, ngunit, pag naiisip ko na may mga followers tayo, I have to create an episode .  Of course, ang ating adhikain na makatulong, makapaggabay at makapag alay ng inspirasyon sa ating mga ka-tsong at OFW aspirants,  ang mabisang pampatanggal ng pagod at hirap ng pagproproduce ng bawat episodes.  And speaking of inspiration, ako po ay lugod na nagpapasalamat sa ating mga ka-tsong diyan sa bansang Israel sa sobrang init na pagtanggap sa ating episode kung saan ay aking nakapanayam si Edgar Aragones, isang civic leader sa Haifa, Israel.  Isa ito sa patunay na buhay na buhay ang samahan at bayanihan ng ating mga ka-tsong dyan sa bansang Israel.  Shalom po sa inyong lahat.  And of course, wag po kayong titigil sa pag suporta sa OFW on AIR.  If you believe in helping, guiding and inspiring others, e di samahan niyo ako.  Ika nga ni kuya Germs, the master showman (at sumalangit sana ang kanyang kaluluwa)…walang…tulugan..

At sa pagpapatuloy ng ating bidahan, nais kong i-share sa inyo ang isang quotation na bumuhay ng aking isipan habang ako ay nakikinig sa speech sa University ng aking anak na si Kobin.  Si Kobin ay natanggap sa kursong Pharmacy, because of this, we were invited to attend the White Coat Ceremony of his class.  Ito po ay isang ceremony para i-welcome ang mga bagong estudyante sa Universidad na kung saan ang keynote speaker  ay nagpahayag ng ganito ” …. In this profession and in all aspects of life….it is either you “Do or Do not…There is no try”.  Uulitin ko lang po ang sabi nya  … “Do or Do not…there is no try”!  To those who are Star Wars fans, ang quotation na ito ay nagmula kay Yoda, isang legendary Jedi Master, who despite of small size is powerful and wise.  Do or Do not there is no try.

What an appropriate words of encouragement.  When I heard it from the speaker, I immediately wrote it on my phone as a reminder to share this message to you our OFW on AIR listener.   Such a short message to give but one that is loaded with values which you can carry through life.  If you need to stop from listening to the show, you can stop NOW but remember this power quote…Do or Do not, there is no try.

Do or do not, there is no try means focus and live the moment.  Kung kayo ay magtratrabaho sa abroad at sasabihin lang ninyo na susubukan lang ninyo para malaman, you are doing it for the wrong reason.  Kalimutan na ninyo ang pangarap na maging OFW kung ganyan ang pananaw ninyo.  Kung talagang desidido kang maglayag, give your 100 and 1 percent focus and effort and make it work!  Wag yung ugaling bahala na si Batman.  Pag nasa abroad ka na, give it your best shot at gawin lahat ng kaya ninyo to make it work.  Ang sabi mo, ay nais mong guminhawa ang pamilya mo kaya ikaw ay nagtitiis na mawalay sa pamilya.  Pero pag kinalabit ka ni tanim, ay mabilis ka pa sa Philippine Airlines.  Daming kalukohan ang ginagawa at nalimutan na ang dahilan kung bakit nasa abroad.  We all have our weaknesses, but we can always change.  Di tayo perpekto pero kaya pa rin nating magbago.  At kung sakali man na hindi naging matagumpay ang sinapit natin sa ibang bansa, at least maipagmamalaki ninyo na you gave it all.

And on that note, I would like to introduce an engineer noong nasa Pilipinas pa lang siya at patuloy na naglilingkod bilang engineer sa isang company sa Saudi Arabia.  Anak ng isang OFW ngunit hindi lang kahirapan ang tanging dahilan ng kanyang desisyon na sumama sa kanyang ama at sumugal sa bansa na mga Arabo.  Okay, relax na po tayo at buksan ang isipan and be inspired by Engineer Franco Caragay!  Enjoy!

Facebooktwitter