OFW on Air Episode 056: Ang Baguhang OFW | Chat with Leilani Comia

OFWOA-Banner-56-Leilani-Comia---Q

Play

Yooo, what’s up folks, kumusta na kayong lahat mga ka-tsong na OFWs at mga OFW aspirants.  Welcome sa ating Episode 56 ng OFW on AIR Podcast with Kuya Tsong.  Kumusta na ba ang panahon diyan sa lugar ninyo.  Balita ko sa Pinas ay matindi na ang init samantalang dito sa Edmonton, Alberta, Canada kahit simula na ng spring ay 0 degree pa rin sa labas, kilig to the bones pa rin ang Kuya Tsong ninyo sa tuwing lalabas ng bahay.  Ang maganda lang nito ay pagdating ng hapon, mga 10°C na ang temperatura sa labas at masarap mamasyal.  Mga ka-tsong, alam ko na pag-nagtratrabaho ka sa abroad, pagkakakataon na rin ito na mamasyal, sa mga lugar na minsan sa dyaryo o sa mga libro mo lang nakikita.  Kaso mo, dahil kailangan ipadala ang pera sa pamilya natin sa Pinas, di na siguro iniisip ng mga ka-tsong natin na OFWs ang mamasyal, papano mahal rin kasi di ba?  Naku alam na alam ko yang feeling na yan.  Kasi pag nasa ibang bansa ka, lagi mong kinu-convert yung perang gagastusin sa Pesos, maiisip mo na di na lang mamasyal dahil manghihinayang ka sa laki ng gastos.

Di ko kayo huhusgahan sa diskarte ninyo, ha.  Pero, sana bago kayo makauwi at kung may pagkakataon, subukan din ninyong pumunta sa mga magagandang tanawin sa bansa na inyong pinagtratrabahuan.  Kahit ano pa ang sabihin ninyo, masarap pa rin na maalala nyo sa inyong pagbalik ang mga nakita ng mga mata nyo.  Di lamang mga tourist spot, pagmasdan ninyo ang mga daan, ang mga patakaran, ang takbo ng buhay para magsilbing masayang alaala ito sa inyong pag-uwi sa Pinas.

Sabagay, pag bagito kang OFW, ang lahat ng makikita mo sa ibang bansa ay bago!  Excited pa di ba?  Kaya sa episode na ito, atin namang kakausapin ang isang baguhang OFW na isang caregiver sa Taiwan.  At dahil sa palaging na ho-homesick, ay sinubukan niya ang mag-facebook live at dun nga ay nalilimutan niya ang kalungkutan at di lang yun…sya pa ay nakakatulong rin sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng aliw sa pag-awit, pagbati at pagbibigay ng mga payo tungkol sa buhay at pag-ibig.  O ano, gusto na ba ninyo syang pakinggan?  Well, bago natin isalang ang interview, nais kong iplug ang kanyang show….siya po ay si Dj Enzo na host ng programa na “Love Confession” na mapapakinggan ninyo sa Iron Eagle FM Radio na isang app sa Google play.  So di na po ako magpapatumpik-tumpik, narito ang ating masayang huntahan sa isang bagong OFW sa Taiwan, please welcome Leilani Medrano Comia.  Break it down Lei!

Facebooktwitter