OFW on Air Episode 057: Kaya mo ba ito? | Chat with Cherry May dela Cruz

OFWOA-Banner-57-Cherry-May-dela-Cruz---Q

Play

Hey hey hey mga ka-tsong, mga katsokaran, mga kabarkada natin dito sa ating OFW on AIR program! Ito po ang inyong Kuya Tsong, reporting to duty.  Saludo po ako sa inyong mga Overseas Filipino Workers from around the world sa patuloy na pagsuporta sa ating program.  Dumarami ang ating mga numero sa facebook at sa downloads ng mga artikulo at interviews kaya tuloy-tuloy lang tayo sa pag-ikot ng mundo.

As usual, excited na naman ang inyong kuya tsong sa episode na ito.  Sa wakas ay makakasama natin sa interview portion ang isang nurse na ngayon ay nagtratrabaho sa Saudi.  Ang matindi pa nito, ay 24 anyos lamang sya.  At OFW na sa edad na 21 anyos pa lamang.  Panganay sa limang magkakapatid at nagmula sa pamilya na ang ina at ang ama ay kapwa naging OFW.  Isang Ate na ang hangad lamang ay mabigyan ng edukasyon ang 4 na kapatid.  Dahil sa dalaga pa si Mhay, kasama sa aming huntahan di lamang ang hirap ng pagtataguyod sa pamilya sa Pinas, dale na rin sa aming usapan ang kanyang na-unsyaming pagpapakasal.  Isa pang aspeto ng pagtratrabaho sa abroad ay ang dulot ng matagal na panahon na hindi pagkikita ng magulang sa mga anak, isang bagay na nagturo kay Mhay na maging bukas ang isip at maging responsable sa sariling desisyon.  Sa ating mga OFW aspirants, opo doon sa mga katsong natin na nagbabalak na magtrabaho sa abroad, para sa inyo ang aral na kaloob sa episode na ito. Isang tip lamang po, habang pinakikinggan ninyo ang aming kwentuhan, namnamin ninyo ang mga kwento ni Mhay at pagkatapos ay humarap kayo sa salamin at itanong ninyo sa inyong sarili  “Kayo ko ba ito?”   So folks, let’s rock and roll, with pride and pleasure, here’s our feature OFW guest, the beauty and brain and guts…Ms Cherry May dela Cruz… Enjoy!

 

Facebooktwitter