OFW on Air Episode 058: Eid Mubarak! | Chat with Cristina Tega

OFWOA-Banner-58-Cristina-Tega---Q

Play

Hey hey hey kumusta na kabayan! Kumusta kayo dyan sa Pinas, mula Aparri hanggang Jolo. Kayo na nasa Hongkong, Taiwan, Singapore, Japan, China, Malaysia, musta na ang init ng panahon. Sa OFWs sa Europe at North America, how are you folks!  Hope you are doing well.  At sa ating mga kababayan dyan sa Middle East, Asalamalaykum.   O nga pala, Eid Mubarak! sa ating mga kababayang Muslim.  Yehey, nairaos na rin natin ang Ramadan. Makabuluhan ang panahon ng Ramadan para sa kapatid nating mga Muslim.  Gayunpaman, kung facebook ang panghuhugutan natin ng impormasyon, naku, ito yung panahon na uso ang eye-bags sa ating mga ka-tsong na OFWs dyan sa Middle East kaya nga puyatan sa ating ka-tsong na kasambahay. Literally, ang araw ay ginagawang gabi at ang gabi ay ginagawang araw.  Hindi ito alam ng mga first-timers na OFWs sa Saudi, Kuwait, Jordan at Qatar kaya matinding pagsubok sa kanila ang Ramadan.  Hindi naman masyadong naituturo ito ng mga ahensya ng gobyerno at PDOS sa atin.  Kaya ang kawawang ka-tsong natin ay na ku-culture shock!  Ay buhay OFW.

Naku, naghimutok na agad ako.  Ako nga pala ang inyong Kuya Tsong at kayo ay nakikinig sa ating ika-58 na episode ng OFW on AIR Podcast show.  Oy nga pala, matahimik nating nairaos ang ikalawang anniversary ng ating adhikain kaya Happy 2nd birthday to us!  Ang pagbati na yan ay para sa inyong mga ka-tsong na patuloy na nakikinig sa nakaka-addict na programang ito.  Opo, this is a habit forming program at di ko rin kayo masisisi na balik-balikan ang pakikinig sa OFW on AIR Podcast.  So congratulations sa ating lahat, 2nd anniversary na natin ito tsong!

And speaking about buhay OFW, at sa tulad ng ating nakagawian, ating makaka-usap sa virtual kapihan ang isang dilag na taga-UPI, Kalinga Province na ngayon ay isang caregiver na OFW sa Israel. Pangako ko sa inyo na isa ito sa mga interview na magaan ang usapan mula sa simula hanggang katapusan.  Masayahin na tao ang ating na-interview at ito nga ang isang napapansin ko sa mga OFWs na nasa Israel.  Proud sila sa kanilang narating kahit halos ibigay nila ang isang taong pagtratrabaho doon upang mabayaran lang ang mataas na placement fee dyan sa Israel.  Ngayon palang bumabawi ang ating katoto na sa Israel, kaya very positive ang pananaw niya na ito na ang simula ng pag-angat sa buhay na hinihintay niya.  Muntik pa nga syang maging sundalo at buti na lang di nakapasa sa requirement.  Sabi ko nga sa kanya, kasi pang beauty contest ang mga ngiti nya.  I fell in love with her diction.  Akala ko ay mga Ilonggo lang ang mga malalambing magsalita,  ang mga Igorot ay malambing din pala pakinggan.  Anyway, isalang na po natin agad ang ating interview kay Cristina Tega, isang malambing na kabayang Igorot na nasa Israel. So let’s rock and roll, our featured OFW guest na si Cristina na ang palayaw ay si Leih.  Enjoy!

Facebooktwitter