OFW on Air Episode 059: Gusto Mong Yumaman? | Chat with Abdel Saber

OFWOA-Banner-59-Abdel-Saber---Q

Play

Isang maayos at makabuluhang araw sa inyo ating mga tagapakinig!  Narito na naman tayo sa ating habit forming program na OFW on AIR Podcast at ako po naman ang inyong Kuya Tsong na sa loob mahigit isang oras ay makakapiling ninyo sa inyong paglalakad, o sa pagpapahinga o di kaya ay nasa loob ng kotse o nasa gym upang kayo naman ay ma-inspire sa mga kwento ng mga ka-tsong natin na OFWs mula sa iba’t ibang panig ng mundo.  Kung kayo ay nag-iisip kung ano ba ang alternatibo nyo sa buhay o dili kaya ay kung papano mababago ang takbo ng inyong pamumuhay at nag-iisip kung mag-aabroad o hindi, kayo po ay nasa tamang programa. Inuulit ko, this is a habit forming show kaya, hahanap-hanapin ninyo ito na parang kati na masarap kamutin.   Haha….

Locked and loaded po ang ating episode ngayon.  Naku po, isa itong gold mine na episode dahil siksik, liglig at umaapaw sa inspirasayon ang ating interview sa isang OFW sa South Korea.  Siya ay isang machine operator sa umaga at kapag wala sa trabaho  ay nagbebenta ng food supplement upang madagdagan ang kita at syempre para lalong yumaman.  Sino ba ang di gustong yumanan? So yung mga may gusto, sit tight and relax dahil mapapakinggan ninyo ang isang malikhaing paraan ng pagbebenta sa online.  Maniwala kayo, bibilib kayo sa kanyang pamamaraan.  Hindi ko na po patatagalin pa, isalang na natin ang aking interview kay Abdel Saber, isang taga Makati na mas kilala sa taguring Kyevin Dee.  Isang paalala lamang po, maghanda kayo ng softdrinks at kropek ngayon na, dahil pag nasimulan na ito…di na ninyo ito bibitawan.  So here we go folks…enjoy!

 

Facebooktwitter