OFW on Air Episode 061: Super Heroes ng Bayan – OFWs | Chat with Marites Cabugao

OFWOA-Banner-61-Marites-Cabugao-Q

Play

Hey, hey, hey, mga ka-tsong! Kumusta po kayo.  Welcome to episode 61 ng OFW on AIR Podcast at syempre pa, ako po ang inyong Kuya Tsong  na pumapagaspas na naman sa ating buwanang podcast show na ating inihahandog sa ating mga ka-tsong na OFWs at sa mga nagnanais na maging OFWs.

Kumusta kayong mga kapatid na OFWs sa buong mundo! Aba, parami ng parami ang ating angkan na mga OFWs.  Sabi nga nila kahit saan ngayon ay may Pilipino…maging sa liblib na lugar ng Australia, may Pilipino, kahit sa malamig na lugar ng Alaska, tiyak na may pinoy…kahit nga sa Mongolia o sa komunista na bansa ng North Korea, siguradong may Pinoy doon.  Iba ang survival instinct ng mga Pinoy.  Iwan mo lang, kaya niyang mag-adapt, kaya niyang makibagay, makitungo, makihalubilo.  Kahit hindi marunong mag-Chinese, pag nasa China, mga ilang linggo lang…maririnig mo na matatas ng mag Chinese.  Palibhasa sanay sa hirap sa buhay, kaya walang sitwasyon o problema na hindi kayang tiisin.  Kaya naman, ang mga superheroes natin na OFWs, parang bakal ang kanilang dibdib at sikmura.  Kayang tiisin ang lungkot, ang homesick, ang gutom, ang trabaho, ang pag-iisa alang-alang sa pamilya sa Pinas.  Kaya naman, saludo talaga ako sa ating mga ka-tsong….you are truly a super hero!

Of course, mapalad po tayo sa oras na ito dahil, sasamahan tayo ng isang wonder woman na isang OFW na nasa Abu Dhabi, United Arab Emirates.  Ang wonder woman na ito ay isinilang sa Isabela at may limang anak!  Opo, limang anak na puro lalaki…dito pa lang wonder woman na di ba?  Ang nakakatawag ng pansin sa kanya ay ang kanyang boses…dahil mahilig po siyang umawit.  Ito pa, noong nasa Pilipinas pa sya, isa sa kanyang hanapbuhay ay ang pagkanta sa mga burol ng patay!  Akalain ba ninyo na, malakas pala ang kita sa pagkanta para sa patay!  Opo, may hanapbuhay sa patay!  Ngayon, ay mahilig syang mag kakakanta sa online app na Smule at dito nga ay mayroon na siyang 300 plus songs!  Kung kayo ay nagfe-facebook, siguro ay napanood nyo na sya.  Kabibirthday lang niya nang aking mainterview noong August 23.  Kaya, talaga namang maganda ang mood at aura ng ating katsong na si Marites Cabugao or si Marie.  Kaya kung gusto ninyong malaman kung papano ba mag-celebrate ng birthday ang isang OFW na katulad ni Marie…aba eh, pakinggan na ninyo ang interview na ito.  Bago natin, umpisahan ang interview, nais ko lang na banggitin na pagnarinig ninyo ang katagang “aplod” o “naaplod” ang ibig sabihin po neto na diskaril o sumabit.  Kailangan ko sabihin ito para mas lalo ninyong maintindihan ang aming usapan. Okay, ang ibig sabihin po ng aplod ay sabit o nasawi.  Bueno, narito po ang aming masayang tawanan, huntahan at puno ng tips at gabay para sa mga aspiring OFWs,  a chat with Marites Caranzo Cabugao…enjoy!

Facebooktwitter