OFW on Air Episode 062: Tara na sa South Korea! | Chat with Gennie Kim

OFWOA-Banner-62-Gennie-Kim-L

Play

Knock, knock, hello hello mga kabayan , mga katsong! Welcome po muli sa ating tambayan ng bayan, ang ating OFW on AIR Podcast with Kuya Tsong and of course, narito po ang inyong katoto, ang inyong Kuya Tsong na bumabati sa yo, sa katabi nyo, sa pamilya ninyo at higit sa lahat sa inyo na nakikinig sa ating programa na para sa mga ka-tsong natin na OFWs at OFW aspirants.  This is your episode 62, and ito na po ang huling episode natin para sa taon na ito ng 2017!

Sa episode na ito, marami kayo makukuhang information tungkol sa pagtratrabaho sa South Korea.  Malalaman ninyo kung bakit maraming advantage ang pagtrabaho sa bansa ito gaya halimbawa na … hindi ninyo kailangan ng broker or agency para makapagtrabaho sa south korea kung ang papasokan ninyo ay sa larangan ng manufacturing, construction, farming at fishing.  Ang tawag po sa systemang ito ng hiring nila ay EPS or Employment Permit System at ito ay government to government arrangement kaya wala na sa eksena mga lintik na malakas maningil na mga recruitment agencies.  Hindi pa rin naman nawawala ng submissions ng mga requirements pero at least patas ang laban… eka nga, depende na lang sa iyong abilidad, education, at work experience.  Tagal na sa problema ang mga placement fees na pinagkakakitaan ng maraming mapagsamantalang agencies.  Ang tip ko lang sa inyo, kailangan matoto kayong mag Korea para tumaas ang chansa ninyong makapagtrabaho sa South Korea.  Kaya rin po na atin guest for this episode, siya po ay talaga bihasang bihasa sa South Korea so much so na sya isang langugae translator doon.

At dahil ito ang season 2 finale episode, masuwerte po tayo sa pagkakataon na ito na makapanayam ang isang OFW advocate sa South Korea, tulad din nang marami sa ating mga katsong na OFW ay dumanas ng matinding hirap at gaya ng mga fairy tale stories na  nabasa na natin, ay isang happy ending!

Speaking about guests, alam ninyo, mapalad po ang inyong kuya tsong, dahil sa OFW on AIR podcast na ito, marami po akong nakikilalang personalidad mula sa iba’t ibang dako ng mundo.   Aba, world class po ang ating podcast na ito dahil ang mga nakakausap natin ay mula sa Saudi, Taiwan, Israel, Canada, Norway, Spain, Qatar, etc.  Sinadya po natin na maipakilala sa inyo mga katsong, ang  magkaiba na personalidad sa iba’t ibang larangan ng hanapbuhay, para maihatid sa inyong kaalaman ang pangkaraniwang buhay ng isang OFW.   Marami na po ang mga websites at blog ngayon na tungkol sa OFW, pero sa totoo lang, mayroon pong X factor and OFW on AIR podcast.  Alam ninyo kung ano?….  Well, ito po ang pagiging makatotoo na pagsasalarawan ng buhay ng isang OFW.  Ano pa ba ang hihigit pa kapag ang nagkwento sa inyo ng kanilang buhay ay siya mismo mo!  In other words, this is a true story told by the person himself or herself.  Kaya bawat tawa, pagkainis, pag-asa, pagdaramdam ay damang dama kasi ito ay totoong kwento ng ating guest.

At sa loob ng mahigit na dalawang taong natin sa ating programa na ito, nagpapasalamat ako sa patuloy na pagsuporta sa ating mga ka-tsong na tunay na nais ring tumulong sa ating kapwa.  Batid ko na hindi biro ang isalaysay mo ang iyong buhay sa buong mundo.  It takes courage and willingness to share a part of your life to strangers yet, they do it.  Ibang klase po talaga ang mga taong ito kaya naman para sa akin, hindi lamang kayo hero ng bayan….kayo ay super hero.  Kaya sa episode na ito, nais kong saluduhan, yakapin, itaas ang ating mga OFW on AIR guests mula pa noong episode 1 hanggang ngayon sa episode 62 at sa mga susunod pang mga episode dahil maraming kayong natutulungan na mga kababayan natin sa pagbuo ng kanilang desisyon na ituloy ang pagiging OFW.  Mga ka-tsong, thank you very much.

Bueno, at sa pagpapatuloy ng ating programa, narito po ang ating interview sa isang kilalang community leader sa South Korea. Nirekomenda po sya ng dalawang taga SouthKorea kong kaibigan kaya naman ako’y tuwang tuwa nang sya ay pumayag na mag-guest sa ating show.  Alam ninyo, sa interview na ito, umabot kami ng mahigit na dalawang oras na kwentuhan.  Grabe, the connection between me and her was instantaneous.   In fact, noong nagkakitaan kami sa skype, nakasuot sya ng green at ako rin ay nakagreen na shirt. At nang mag-usap na kami, ang pakiramdam ko ay kausap ko ang dating matalik kong kaibigan na matagal ko nang di nakita.  Kaya ayun, parang isang saglit lang ang dalawang oras na pag-uusap namin.  At dahli subject matter expert itong guest natin sa South Korea Recruitment at Immigration topic, maituturing kong this episode is very informative lalung-lalo na kung South Korea ang pag-uusapan.  Minarapat natin na hatiin ang episode na ito sa dalawa upang saganuong paraan ay manamnam natin ng buo at dahan-dahan ang pinagdaanan ng ating guest.  So, kung ako sa inyo, ireready ko na ang softdrink o kape, habang ako ay nakikinig sa very inspiring life story ni Gennie Kim, isang superhero na OFW sa South Korea.  Enjoy!

Facebooktwitter