OFW on AIR Episode 63: South Korea’s Employment Permit System | Chat with Gennie Kim

OFWOA-Banner-62-Gennie-Kim-Q

Play

Hey hey hey, sumasainyo na naman ang ating OFW on AIR Podcast at tayo po ay nasa episode 63 na.  Ito na po ang huling episode para sa taong 2017.  Alam ko na marami sa ating mga OFW ang magbabakasyon sa pinaka…masayang panahon sa Pilipinas, ang panahon ng Pasko at Bagong taon kaya break muna para naman makapag enjoy enjoy sa buhay.   At syempre, magrerecharge din po ang Kuya Tsong sa panahong ito.  Sa mga bagitong nakikinig sa ating programa, ako po ang inyong Kuya Tsong na napakapalad dahil nabigyan ako ng isang pambihirang pagkakataon na makapaglingkod sa ating mga kababayang OFW aspirants at sa mga OFW na tinaguriang ‘bagong bayani ng ating bayan’.

 

Sa mahigit na dalawang taon na pagseserbisyo, ay ang dami dami ko pong natutuhan.  Tulad lang ng isang nakausap ko kagabi, umattend po tayo ng isang okasyon na bigyag dito sa lugar namin sa Edmonton, Alberta, Canada at syempre pa, masaya dahil maraming Pilipino ng sasama sama.  Ang isang katangian kasi lalong lalo na ang mga OFWs or Filipino Expats pagmay birthday, bigyan, home blessing at ang pagsasalo salo ng ating mga kababayan at para kang nasa Pinas dahil kwentung barbero, tsismis at katakot takot na batian.

 

Nakakataon ako ay nakasipat ako ng upuan na libre at dalidali na umupo.  May katabi akong isang kaedad ko (lamang lang ako ng isang paligo) at kahit di mo kilala, basta kababayan at nakatitigan…ahhh parang nakakita ka na rin ng dating kaibigan at diretso na ang kwentuhan.  Iba talaga pag nasa ibang bansa ka, para nawawala ang hiya dahil kukunti na nga lang kayong mga Pinoy kaya banat na agad sa kwentuhan.

 

Ang pangalan na kausap ay si Raffy, at siya pala ay dating nagtrabaho sa middle east, amerika at ngayon nga ay nasa Canada na. Siya ay isang chef dito sa Red Deer, isang maliit na lugar malapit gitna malapit patag na lugar sa probinsya na Alberta, Canada.  Ang sabi nya ay ang dami na niyang pinagdaanan, at iba ibang lugar na nga ang kanyang nagisnan pero dito lang sa Canada ay natupad ang kanyang pangarap.  Maganda at mas mataas ang kanyang suweldo sa Amerika kaso walang hahantungan kanyang buhay dahil parang forever syang OFW, temporary ang kalagayan sa bansang banyaga.  Kaya dumiskarte sya, at naglakas ng loob na pumunta dito sa Canada mga 9 years ago ay ngayon … hindi na po banyaga sa Canada si Raffy….siya isang Canadian Citizen na! Canadian passport na ang kanyang tangan tangan pagbumabiyahe sa Pinas at sa ibang lugar.

 

Kaya ko naikwento sa inyo ito ay sa isang kadahilan. Mga tsong, alam kong milyon milyon ang mga OFWs sa buong mundo kaya isang maganda pag-aralan ang desisyon na ginawa ni Raffy. Marami sa ating mga OFW ang gustong makabalik sa Pilipinas pagkatapos ng kontrata at dun ay masisimula mula kanyang career at buhay. Ayos po ito at ako na ang unang magsasabi sa inyo na wala mali dito. Gayunpaman, aking inaanyayahan kayo mga giliw kong tagapakinig na kung maaari rin ninyong pag-isipan na manatiling permanent na ang pamumuhay ninyo sa abroad. At kung yan ang plano ninyo…aba, pag-aralan ninyo kung ano ano ang mga pagkakataon na maaari kung maging permanent resident or di kaya maging citizen ng bansang ito.  Isang magandang halimbawa ang kwento ni Raffy, pinag-aralan niya kung ano ang mayroon sa Canada at nun malaman niyan, may pagkakataon na magkapagtrabaho dito at pagkatapos nag-apply sya ng permanent residency at after 3 years ay citizen na sya..o di bonnga!  Hindi po para sa lahat ang mungkahi ko pero kung nasalabas na rin naman kayo ng Pilipinas, aba ay bukas ninyo ang inyong isipan sa mga ganitong pagkakataon.

 

Buweno, gaya ng aking naipangako nun previous episode, narito muli ang karugtong ng aming masarap at puno ng inpormasyon na kwentuhan na isang community leader/ translator/ dj/ nanay ng mga OFWs sa South Korea na si Gennie Kim.  Pagnapakinggan ninyo ang part 1 at part 2 ng interview with Gen, siguro ay mayroon na kayong sapat na ideya kung ano ang naghihintay sa inyo kung nais ninyo mag OFW sa South Korea.  Take it away Ms. Gennie Kim…enjoy!

Facebooktwitter